WHY

Gusto kong mag diet ngayon. Like, i-overhaul ang eating lifestyle ko.

Specifically, I want to trim 2-3 inches off my waist.

Reason? May nagtanong sa akin kung malakas ba raw akong uminom noon, kasi malaki yung tyan ko.

Yes, I have digestive issues pero masakit pa rin. I was never a drinker. It stings.

Di ko maalis sa isip ko na syet, mukhang baboy na pala ako talaga, especially waist down.

Tapos pag check ko ng weight kanina, shit lang, 127 pounds na pala ako. Dati nasa 110 range lang ako. Waistline ko naman 27 inches. Dati, 24-25 lang yan.

Dahil maliit lang ako, 5'2”, yang mga onting adjustment na yan eh malaki ang bearing, visually.

Tangina, lumobo pala ako.

Ano ba ang nangyari?

Nung summer may semblance of abs na ako eh. May documentation as proof pa.

Kaso ayun bumalik ako sa pagmamarijuana mula summer until this November (halos 7 months din akong adik2x at foodtrip2x) kaya eto, di ako masaya sa figure ko, haha. Mukha akong typical fat stoner.

Ibalik ang sober, athletic, fit and trim na Mia!

TL;DR

My boyfriend said I was getting fat, so I decided to kinda starve myself.